JM de Guzman, nagsalita sa umano’y pagiging single ni Barbie Imperial - Kaidul

JM de Guzman, nagsalita sa umano’y pagiging single ni Barbie Imperial

A post shared by Barbie Imperial (@msbarbieimperial) on Apr 24, 2018 at 3:23am PDT

Kinumpirma nga ba ni JM de Guzman na single na ngayon ang onscreen partner niya na si Barbie Imperial?

Sa panayam nina JM at Barbie sa website na

A post shared by Barbie Imperial (@msbarbieimperial) on Apr 24, 2018 at 3:23am PDT

Kinumpirma nga ba ni JM de Guzman na single na ngayon ang onscreen partner niya na si Barbie Imperial?

Sa panayam nina JM at Barbie sa website na PEP, tinanong ang dalawa kung posible bang ma-in love sila sa isa’t isa dahil madalas silang magkasama sa trabaho.

Hinayaan ni Barbie na si JM ang sumagot ng tanong ngunit halatang ikinagulat nito ang sinabi ng aktor.

“Basta kasi masarap eh. Masaya kasi siya ngayon, masaya katrabaho, masaya maka-bond. So ang sarap na i-maintain nang ganun. Minsan mapapaisip ka rin, ‘What if nga?’ Puwede ba? Single ka naman ngayon, ‘di ba?” tanong ni JM kay Barbie.

Sa halip na kumpirmahin kung siya ay totoong single na, pabirong sagot ni Barbie kay JM: “Minsan talaga ang sarap sapakin ng mga pinapangunahan kang mag-announce eh ‘no?”

Dati nang nali-link si Barbie sa aktor na si Paul Salas.

A post shared by Paul Salas (@salas.paul) on Mar 19, 2018 at 3:27am PDT

Samantala, sinabi ni JM na effortless ang chemistry nilang dalawa sa teleseryeng “Araw Gabi.”

Aminado rin si JM na mas naging makulit siya dahil kay Barbie.

“Ang sakit sa ulo. Para akong bumalik sa grade school. Hindi pa ako naging ganito kakulit sa loob ng maraming taon,” aniya.

Leave a Reply

Advertisment ad adsense adlogger